11ABM-MUSK Val Cedric A. de Lara
Senate Political Dynasty
Sa Pilipinas may posisyon sa politika na tinatawag na Senador o "Senator" sa ingles, ito ay binubuo ng dalawamput apat (24) na indibidwal na kung saan ang kanilang trabaho o tanging layunin ay ang lumikha ng mga panukalang batas, resolusyon, kapanabay na resolusyon, at mga simpleng resolusyon, at marami pang iba na kung saan ang batas ay naipapasok, ang pagiging Senador ay hindi isang biro, marahil ikaw nga ay may mataas na posisyon o katungkulan subalit ito naman ay may kaakibat na layunin at responsibilidad na dapat gampanan upang ang ating bansa ay lumago, ang pagiging Senador ay hindi lamang basta trabaho na pinagkakakitaan at ginagawang laro, ito ay isang seryosong hanap-buhay na nakakaapekto o makakaapekto sa mga maaaring mangyari sa ating bansa, kasama na rin ang mga napapanahong isyu na dapat ayusin o solusyunan.
Batay sa balitang inilahad ni Ed Lingao na nag anunsyo si Vice President (VP) Sara Duterte na tatlong Duterte ang nagbabalak tumakbo sa pagka Senador sa darating na 2025 Elections, ito ay sina dating pangulong Duterte (Rodrigo Roa Duterte o PRRD), at ngayong congressman na si Paolo Duterte, at ang ngayo'y mayor ng Davao City na si Baste Duterte, na may malaking tsansa na makapasok sa magic 12 (mga nanalo sa pagka senador) ngayong 2025 lalo na't mataas ang Duterte brand sa ratings. Ayon sa OCTA survey noog nakaraang abril 31% ng mga matatanda ang sumosoporta kay Marcos at 20% ang mga sumosoporta sa pamilya Duterte. Kung sila ay makakapasok, sila ay ang pinakamalaking pamilya na sabay sabay uupo sa senado. Dahil dito lumalaki o tumataas ang tsansa na magkaroon pa ng mga pamilya na uupo sa senado, tulad nila Jinggoy Estrada at JV Ejercito na mananatili sa senado hanggang 2028, nandyan din sina Allan Peter Cayetano na uupo hanggang 2028 at Pia Cayetano na kailangan muli tumakbo for reelection sa 2025, nariyan din sina Mark Villar na uupo hanggang 2028 at ang nanay niya na si Cynthia Villar na gagraduate na na 2025 at maaaring tumakbo ang anak ni Cynthia na si Camille Villar sa susunod na taon ngunit wala pa itong kumpirmasyon, kung matutuloy ito bale apat na pamilya na ang maluluklok sa ating senado, na kumukuha ng siyam (9) na upuan saating dalawamput apat (24) na Senador.
Batay nga sa balita na nasa ibaba, maaaring nagkakaroon na ng Senate Political Dynasty na tinatawag o ang pagkakaroon ng mga pamipamilya sa senado na maaaring ginagawang hanap-buhay upang kumita na lamang ng pera at magkaroon ng kapangyarihan na maaaring kumontrol sa mga nangyayari sa bansa. Dito na pumapasok ang kasabihan na sa Pilipinas hindi partido ang nagdidikta ng mga political agenda kundi mga pamipamilya, sapagkat wala paring batas laban sa pagkakaroon ng Political Dynasty. Uulitin ko, ito ay maaari pa lamang mangyari. Kung ang balita sa ibaba ay mangyayari nga ay hindi malabong maging hawak ng partido ng mga Duterte and kalahati ng Senado na kung saan sila ay magkakaroon ng malaking kapangyarihan na hawak dahil sila ay magkakaanib.
Pindutin ang link sa ibaba upang mapanuod ang video.
News! Political Dynasty Sa paglalahad ng balita tungkol sa politika ay naipakita ng reporter na si Ed Lingao ang tamang paggamit ng wika sa pagpapahayag ng balita, makikita sa bidyo ang pormal na pamamaraan ng kanyang pagsasalita, makikita o maririnig mo rin na ang kanyang pagbigkas sa mga salita ay hindi gaanong mabilis at hindi gaanong mabagal, kung kaya't mas madali ito maintindihan ng mga manunuod, gumamit din ng mga Visual Effects at Graphs na nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa balita na nakakatulong sa pagintindi ng mga kanyang ibinigkas na mga salita.
Mahusay ang struktura ng pagkaka sunod sunod ng mga detalye at ang pagbibigay ng tamang credits, mas magiging maganda ang entertaining ang blog na ito kung mayroong disenyo ang mismong blog, ito ay makikita sa theme at maari mo itong i apply sa blog na nagawa mo.
ReplyDeleteNapakalinaw at malaman ng blog na ito! Ang dami kong natutunan tungkol sa kasalukuyang estado ng ating senado at ang epekto ng mga political dynasty. Salamat sa pagbigay-linaw sa ganitong isyu, nakakalungkot talaga na nagiging “family business” na ang politika sa halip na paglilingkod sa bayan.
ReplyDeleteMakikita sa iyong essay ang masigasig na pagsisikap at dedikasyon na inilaan mo rito.
ReplyDeletemaganda ang iyong pagsusuri sa isyu ng political dynasty at ang mga epekto nito sa politika ng bansa. Ang paggamit mo ng mga halimbawa, datos, at visual aids ay nagpapataas ng kredibilidad at nagpapadali ng pag-unawa ng iyong mga ideya
ReplyDeleteNapakaganda ng pagkakaayos ng bawat talata; malinaw ang paglipat mula sa isang ideya patungo sa susunod.
ReplyDeleteMaganda ang blog na ito, maraming impormasyon ang nakalagay. Ngunit maaari pa itong mag improve sa pamamagitan ng pag eensayo sa paggawa ng blog na katulad nito.
ReplyDeleteMaayos ang pagkakalahad ng mga impormasyon sa iyong blog. Mas Lalo itong naging mas makatotohanan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos sa mga survey at pagaaral ng ibat ibang ahensya.
ReplyDeleteMahusay at detalyado ang mga impormasyon ibinahagi. Madaling maunawaan at makakatulong ito upang magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa tinalakay na paksa. Nagbigay ng mga datos kung saan napapadali ang paglalarawan at paguugnay na nagreresulta sa mas malalim na koneksyon ukol sa usaping politika. Ang mga wikang ginamit ay wasto at naipabatid ang mensahng nais iparating. Ito ay kapupulutan ng aral at makakatulong sa mga kabataan, tulad ko, na magkaroon ng kamalayan sa mga nagyayari sa lipunan.
ReplyDelete